Petisyon vs ex-Comelec Comm. Guanzon ibinasura

Tinanggihan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang oposisyon sa pag-upo bilang first nominee ng P3PWD Partylist ni dating Commissioner Rowena Guanzon.

Ang oposisyon ay inihain ng Duterte Youth Partylist.

Ginawang rason nina Duterte Youth Rep. Duciella Cardema at mister nitong si National Youth Commission chair Ronald Cardema na ang nangyaring substitution sa P3PWD ay pagtatangka na ikutan ang batas, gayundin ang resolusyon ng Comelec sa katuwiran na noon pang Nobyembre 15 nagtapos ang substitution ng mga kandidato.

Sinabi ni Comelec spokesman Rex Laudiangco na tatlo ang pinagbasehan para ibasura ang petisyon at isa na dito ay ang naging resolusyon na pumabor sa Duterte Youth Partylist noong 2019.

Paliwanag pa nito, ang Resolution 101717 ay maaring gamitin bago at hindi na pagkatapos ng halalan.

Nabatid na pinapayagan din sa Party-List Systems Act ang pagsusumite ng mga karagdagang nominado kung ‘naubos’ na ang mga nasa listahan ng nominado.

Read more...