Publiko binalaan sa pagsisilbi ng suspindidong pari sa Cagayan de Oro

CEBCP WEBSITE PHOTO

Naglabas ng babala si Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan ukol sa isang suspindidong pari na nabalitaan na patuloy na nagseselebra ng Banal na Misa.

Sa ipinalabas na abiso ni Archbishop Cabantan ipinaalala nito na nananatiling suspindido si Fr. Melvin Clapano simula nang mabunyag na tinangka nitong magpakasal.

Paliwanag niya sa ginawa ni Fr. Clapano napawalang bisa na ang lahat ng kapangyarihan nito bilang pari.

Sinabi pa ni Archbishop Cabantan na nalaman niya na bukod sa pagseselebra ng Misa ay nagbabasbas din ng mga opisina at bahay si Fr. Clapano.

Aniya may mga pagtatangka naman si Fr. Clapano na magbalik sa kanyang bokasyon, ngunit, tanging ang Vatican lamang ang maaring bumawi sa parusang iginawad sa kanya.

Nabalitaan din niya na sumapi na sa North American Old Catholic Church si Fr. Clapano at paglilinaw din ng arsobispo na hindi ito kinikilala ng Santo Papa bilang organisasyon ng mga tunay na Katoliko.

Read more...