Matapos ang nakalipas na eleksyon, bubuksan muli ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration sa susunod na buwan.
Sinabi ni Comelec acting spokesman Rex Laudiangco ang pagpaparehistro ay magsisimula sa darating na Hulyo 4 hanggang 23.
Nabatid na may resolusyon na para sa naturang voter registration.
Kasunod ito nang gagawing paghahanda ng Comelec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa darating na Disyembre 5.
Paliwanag ni Laudiangco, wala pang isang buwan ang pagpaparehistro dahil nakasaad sa RA 8189, ipinagbabawal ang voter registration 120 araw bago ang eleksyon.
MOST READ
LATEST STORIES