Dating PAL president ang bagong kalihim ng DOTr

Nagtapos na ang mga ispikulasyon kung mananatili sa puwesto si outgoing Transportation Secretary Arthur Tugade.

May napili na si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na bagong mamumuno sa kagawaran, si dating Philippine Airlines president Jaime Bautista.

Isang certified public accountant (CPA) si Bautista at nakapagtapos ng kursong Commerce sa Colegio San Juan de Letran.

Dalawang dekada at kalahati siyang nagsilbi sa PAL.

Bago siya nahirang na presidente ng PAL, nagsilbi muna siyang vice president for Finance, Chief Finance Officer at executive vice president.

Read more...