Sen. Grace Poe sinabing hindi makatarungan ang delays sa Nat’l ID

Dismayado si Senator Grace Poe sa sobrang tagal ng pag-imprenta at distribusyon ng National ID.

Hindi makatuwiran ang paghihintay ng anim na buwan o higit pa para sa pambansang ID.

Pagdidiin ng senadora na napakahalaga ng National ID para sa mabilis na pamamahagi ng ayuda, fuel subsidy, benepisyong medikal at sa iba pang pangunahing serbisyo na labis na kailangan ngayon ng mga Filipino.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mamamayan na kumuha ng National ID.

Nanawagan naman siya sa Philippine Statistics Authority (PSA) na tiyakin na tama ang mga datos sa card.’

“With more than half of the population registered, the Filipinos have given the program a chance. Its high time that the government does its share by delivering the National ID to our citizens without further delay,” diin pa ng namumuno sa Senate Committee on Public Services.

Read more...