Yellow alert itinaas muli sa Luzon grid

Simula ngayon ala-1 ng hapon sasailalim sa yellow alert status ang Luzon grid, ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Tatagal ito hanggang alas-3 ng hapon.

Nabatid na manipis ang reserba ng kuryente bunga nang pagbagsak ng QPPL, SLPG 3, SLPG 4, GMEC 1, GMEC 2 at Calaca 2.

Iniulat ng NGCP ang 12,186 megawatts na available capacity laban sa 11, 282 megawatts ng operating requirement kayat 469 megawatts lamang ang reserba.

Kamakailan lamang ay itinaas din ang yellow alert sa Luzon grid dahil na rin sa pagbagsak ng ilang planta ng kuryente sa Luzon.

Read more...