Ayon kay Pangulong Aquino, sa ganitong paraan mas may tsansa ang claim ng Pilipinas sa West Philippines kontra sa Beijing.
Naniniwala ang pangulo na isang equalizer ang international law dahil hindi nito tinitingnan kung malaki o maliit ang isang bansa.
Iginiit ng pangulo na sinunod ng Pilipinas ang letra ng lahat ng international law na taliwas sa ginagawa ngayon ng China.
Ipinalala ng pangulo na ang Beijing tulad ng Pilipinas ay lumagda na susundin ang declaration of conduct sa West Philippine Sea at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Una nang sinabi ng pangulo na idaan sa karahasan ang sigalot nito sa Beijing dahil bukod sa mas malakas na bansa ang China kumpara sa pilipinas ilalagay lang nito sa panganib ang maraming buhay.