17th Congress, handang bigyan ng extra powers si Duterte para maresolba na ang problema sa trapiko.

duterte pdiBukas ang liderato ng Kamara sa 17th Congress na bigyan si incoming President Rodrigo Duterte ng ‘extra powers’ para tapusin na ang malalang problema sa trapiko.

Ayon kay in-coming House Speaker Pantaleon Alvarez, ang traffic mess sa kalakhang Maynila ang isa sa mahihirap na suliranin na kailangang resolbahin ng susunod na administrasyon.

Ani Alvarez, bilang abogado ay batid niya na maraming posibleng banggain na interes si Duterte bago maayos ang isyu sa trapiko.

Inihalimbawa nito ang tiyak na pagkontra ng ilang indibidwal o grupo sa solusyon na ilalatag ni Duterte.

At gaya ng mga nakalipas na administrasyon, sinabi ni Alvarez na nabigong magtagumpay ang ilang traffic solutions sa Metro Manila.

Giit ni Alvarez, kung gusto ng lahat na matapos na ang problema sa traffic, dapat maglapat aniya ng drastic measures lalo’t masasabing krisis na ang trapiko.

Pagtitiyak ni Alvarez, para masolusyunan na ang trapiko ay kukumbinsihin niya ang mga Kongresista at aaprubahan ang panukala o resolusyon para maibigay ang anumang kailangang kapangyarihan ni Duterte.

Read more...