Nasa 1,000 na ang kumpirmadong namatay s amalakas na lindol na yumanig sa isang rehiyon ng Afghanistan.
Sinabi ni Mohammad Amin Huzaifa, namumuno sa Information and Culture Department sa Paktika, nangangamba sila na marami pa ang madidiskubreng namatay sa 5.9 magnitude earthquake habang nagpapatuloy ang ‘search and rescue.’
Pinaniniwalaan na marami pa ang natabunan ng mga gumuhong istraktura.
Sinimulan na ang paglilibing sa mga nasawi sa ‘mass graves’ alinsunod sa tradisyon ng Islam.
“People are digging grave after grave. People are still trapped under the rubble,” aniya.
Sinabi pa nito na hindi bababa sa 1,500 ang mga nasaktan at marami sa kanila ay kritikal ang kondisyon.
Sinabi ni United Nations Sec. General Antonio Guterres na nagpadala na sila ng tulong, health teams at suplay ng mga gamot, pagkain, trauma kits at emergency shelter sa mga lubhang apektadong lugar.