Labis na nagdaramdam si Pope Francis sa lumalalang karahasan sa Mexico, partikular na ang pagpatay sa dalawang pari sa loob ng isang simbahan.
Magugunita na dalawang Jesuit priests at isang lalaki na nagtatago sa simbahan sa Chihuahua State.
Pinagbabaril ang mga pari na sina Javier Campos, 79 at Joquin Mora, 81 sa bayan ng Cerocahui, sa pagdepensa nila sa isang lalaki na nagtago sa simbahan.
Nabatid na ang lalaki ay isang tour guide.
“So many murders in Mexico. I am close, in affection and prayer, to the Catholoic community affected by this tragedy,” ayon sa Santo Papa, na katulad ng dalawang napatay na pari ay miyembro din ng Society of Jesus.
Nabatid na ang Chihuahua State ay napakahalaga sa mga drug cartels sa distribusyon ng kanilang mga droga sa Estados Unidos.
Sa nakalipas na dekada, 30 pari na ang napatay sa Mexico.