Guilty verdict kay Mayor Digong rape joke ikinatuwa ng women’s group

UntitledNagbunyi ang Coalition Against Trafficking in Women – Asia Pacific (CATW-AP) matapos i-anununsiyo ng Commission on Human Rights (CHR) na guilty si in-coming President Rody Duterte sa rape joke nito.

Sinabi ni Jean Enriquez, Executive Director ng grupo, na itinuturing nila itong tagumpay para sa mga biktima ng rape at maging ang mga na trauma sa biro ni Duterte noong kasagsagan ng kampaniya.

Dagdag pa nito na kabilang sa mga naghain ng reklamo laban sa uupong bagong pangulo at kasunod nito aniya ay ang pagtanggap nila ng death threats.

Naninindigan sila na lalo pa rin silang magbabantay para sa karapatan ng mga kababaihan, kabataan,may kapansanan at LGBT.

Read more...