Araw ng Maynila idineklarang special non-working holiday

Idineklara ng Malakanyang na special non-working holiday bukas sa Maynila.

Kaugnay ito sa pagdiriwang ng ika-451 founding anniversary ng lungsod.

Base ito sa Proclamation No. 1400 na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea, ito ay para bigyan pagkakataon ang mga Manilenyo na ganap na maipagdiwang ang Araw ng Maynila.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies, subject to the public health measures of the national government,” ayon sa proklamasyon.

Nilagdaan ang proklamasyon kahapon.

Read more...