Pangulong Duterte nagtalaga ng ‘one week OIC’ ng DAR

DAR FACEBOOK PHOTO

Isang linggo na magsisilbing bilang officer-in-charge ng Department of Agrarian Reform (DAR) si Undersecretary David Erro.

Sa Hunyo 30, bababa na rin sa puwesto si Erro kasabay nang pagtatapos ng anim na taon na termino ni Pangulong Duterte.

Hindi kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) si acting Sec. Bernie Cruz.

Sa panayam ng Radyo Inquirer Online kay Cruz, nilinaw naman nito na hindi siya sinibak kundi na-by pass ng CA dahil inabot na sila ng sine die adjournment ng Kongreso.

Ibinahagi niya na si Erro ang namumuno sa Transition Team ng DAR kayat minabuti na siya na rin ang italaga na OIC ng kagawaran.

Magbabalik na lamang bilang undersecretary ng DAR si Cruz hanggang Hunyo 30.

Read more...