2 NPA rebels patay sa engkuwentro sa Agusan del Norte

ARMY 4TH IINFANTRY DIVISION PHOTO

Namatay sa pakikipaglaban sa puwersa ng pamahalaan ang dalawang rebelde sa Las Nieves, Agusan del Norte.

Sinabi ni Army 402nd Infantry Brigade commander, Brig. Gen. Airiel Orio nangyari ang engkuwentro noong nakaraang Martes sa Sitio Little Baguio sa Barangay Consorcia.

Aniya nakasagupa ng mga tauhan ng 23rd IB ang may 15 rebelde na kabilang sa Platoon Sagay, SRC 3 ng North Central Mindanao Regional Committee.

Kinilala ang mga napatay na sina Rey Torregosa, 24, ng Esperanza, Agusan del Sur at Juliven Badbaran, ng San Luis, Agusan del Sur.

Nabawi sa kanila ang isang AK 47 rifle, isang M16 rifle, isang anti-personnel mine, mga bala, mga subersibong dokumento at personal na gamit.

Read more...