MTRCB nagbabala sa pang-aabuso ng kanilang deputies

jan mtrcb 2 Inamin ni MTRCB Chairman Toto Villareal na may mga pagkakataon na inaabuso ng ilan nilang deputized agents ang libreng panonood ng sine.

Aniya may mga insidente na rin nang pagpapakita ng mga pekeng MTRCB card para makapasok sa mga sinehan.

Sinabi nito na ang kadalasan nangyayari ay ipinamimigay ng deputy ang tiket na ibinibigay sa kanila para makapasok sa sinehan bukod pa sa palipat lipat ng sinehan.

Giit ni Villareal kailangan tapusin ng isang deputy agent ang pinanonood na pelikula dahil obligado ito na magsumite ng review o report sa kanila.

Kaya’t paalala nito sa pamunuan ng mga sinehan na isumbong ang pang aabuso ng kanilang deputy agents sa paggamit ng MTRCB ID.

Read more...