Sa inilabas na pahayag kagabi ng PRC, ang examinations ay idinaos sa Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi City, Lucena City, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao at Zamaboanga noong Hunyo 17 at 19.
Pinangasiwaan ng Board of Architecture sa pamumuno ni Arch. Robert Zac ang eksaminasyon kasama sina Arch. Robert Mirafuente at Arch. Corazon Fabia-Tandoc.
Si Marianne Kaye Ledesma Ofianga ng Iloilo Science and Technology University ang Top 1 sa nakuhang 82.40%; sumunod si Gian Vincenz Faustin dela Cruz, ng University of Sto. Tomas (81.90%) at pangatlo si Julius Benedict Brillante, ng UP – Mindanao (81.80%).
Pumuwesto naman sa Top 4 si Dominique Frani, ng Adamson University (81.70%) at tatlo naman ang Top 5 na pare-parehong nakakuha ng 81.50%, sina Jam Scott Manalo, ng UST; Lady Joyce Castillo, ng Batangas State University; at Micaela Santos Cruz, ng PUP – Main.