2,000 COVID infections per day sa Metro Manila nakikita sa susunod na buwan

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Maaring makaranas ng 2,000 COVID 19 cases sa Metro Manila kada araw sa susunod na buwan.

Ito ang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III at aniya base ito sa ginawang pagtatantiya ng Australian Tuberculosis Modelling Network (AutuMN) Team.

Dagdag pa ni Duque, maaring sa susunod na linggo, 800 hanggang 1,200 kaso ang maiuulat sa Kalakhang Maynila.

“They are also conducting COVID surveillance in the Philippines. They projected that cases in NCR will be anywhere from 800 to 1,200 a day by the end of June or first week of July,” ayon pa kay Duque.

Aniya maaring umabot pa sa pinakamataas na 1,500 hanggang 2,000 cases sa kaligtaan ng Hulyo bago muling bababa sa 800 hanggang 1,200 cases.

Una nang sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na nakakaranas na ngayon ng pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila.

Read more...