Work from home pantipid sa pasahe, gasolina – Sen. Win Gatchalian

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Malaking katipiran sa pagkonsumo ng gasolina at krudo, gayundin sa pasahe ang work from home, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Bukod dito, ayon pa sa senador, mapapabuti pa ang kalidad ng buhay ng mga empleado.

“Our office may look empty for some but we’re practicing work from home arrangement to save on gas, avoid traffic congestion, save time and eliminate daily commutes,” aniya.

Kayat hinihikayat nito na mas marami pang ahensiya ng gobyerno, maging sa pribadong sektor na magpatupad ng flexible work arrangements.

Paalala niya, base sa RA 11165 o ang Telecommuting Act, maaring magpatupad sa pribadong sektor ng telecommuting program sa kanilang mga empleado.

Aniya ikinukunsidera niya na ipanukala na bigyan ng tax incentives ang mga kawani at income tax deduction naman sa bahagi ng employer sa pagsang-ayon sa flexible work arrangements.

Read more...