Sunog sa Tondo nasa Task Force Alpha pa rin

erwin sunog 3
Photo by Erwin Aguilon

Tinatayang aabot sa Sampung miyon pisong (P10M) halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang nasa isandaang bahay at tatlong palapag na commercial-residential building sa Narcisa Rizal cor La Torre Street, Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog dakong 3:16 ng umaga at itinaas sa Task Force Alpha dakong 4:24.

Nawawala sa insidente ang isang 70-anyos na si Victoria Mina na naiwan sa nasusunog na bahay.Walo ang nasugatan sa nasabing sunog na nagtamo ng minor injuries.

Photo by Erwin Aguilon

Isinugod naman sa ospital ang 90-anyos na si Felissa Gomez matapos mahirapang huminga.

Ayon kay Fire Chief Inspector Arvin Rex Apalla, hepe ng Operation Division ng Manila Fire Department nahirapan sila sa pag-apula ng sunog matapos silang maubusan ng tubig at malayo ang mga fire hydrant.

Tinataya namang nasa dalawang daang pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa nasabing sunog.

Lumalabas na nagsimula ang apoy sa bahay ni Jocelyn Miranda dahil sa iligal na koneksyon ng kuryente.

Habang isinusulat ang balitang ito nagpapatuloy pa rin ang sunog at nananatiling nakataas sa Task Force Alpha.

Read more...