Rehabilitasyon ng Boracay Island tinuldukan na ng DENR

Tapos na ang pamamahala ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) sa isla ng Boracay, gayundin ang rehabilitasyon ng isla, makalipas ang apat na taon.

Sinabi ni acting Environment and Natural Resources Sec. Jim Sampulna, ipinasa na nila sa lokal na pamahalaan ang pamamahala sa world class island resort.

“This culmination means the responsibility will now be with the local government of Malay. Alagaan niyo ito, tulad ng pag-aalaga naming,” bilin ni Sampulna.

Dagdag pa nito, ang hamon sa ngayon ay panatilihin ang kalinisan at sanitasyon sa isla, gayundin ang disiplina ng mamamayan.

Si Sampulna ang namuno sa task force.

Read more...