Pabor ang isang mataas na opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tanging ang mga may booster shot lamang ng COVID 19 vaccine ang payagan sa airconditioned rooms.
Katuwiran ni Usec. Martin Diño ito ay bilang dagdag pag-iingat na rin sa hawaan ng COVID 19.
Una nang may panawagan ang ilang grupo na ipagbawal muna sa airconditioned rooms ang mga hindi pa nagpapaturok ng booster shot.
Nabanggit ni Diño na pinaigting nila ang kampaniya para kumbinsihin ang mga nagdududa pa rin sa COVID 19 vaccine gayundin sa mga ayaw nang magpaturok ng booster shot.
Sinabi nito may utos na sila sa mga opisyal na barangay na hanapin ang mga hindi pa nagpapabakuna at ang mga fully vaccinated na ngunit hindi pa nagpapaturok ng booster shot.