Sunog sa Tondo nasa Task Force Alpha na

sunog erwin
Photo by Erwin Aguilon

Nananatili pa rin sa Task Force Alpha ang sunog na tumutupok sa mga kabahayan sa Narcisa Rizal Sreet., Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 3:16 ng madaling araw at itinaas sa Task Force Alpha dakong 4:24 kung saan tinatayang aabot na sa mahigit isang daang kabahayan ang nasusunog na karamihan ay yari sa light materials.

Photo by Erwin Aguilon

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Jocelyn Miranda sa 1360 B Narcisa St kung saan sinasabing jumper ng kutyente ang dahilan.

Nawawala sa nasabing insidente ang isang 70 taong gulang na si Victoria Mina habang isinugod naman sa ospital ang 90 anyos na si Felissa Gomez matapos itong mahirapang huminga.

Lumikas naman sa La Torre Sreet ang mga nasunugang residente.

Read more...