Sa pamamagitan ng programa, marami ang nakakabiyahe ng libre sa mga pampublikong sasakyan.
Sa datos mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nagtapos na noon pang Hunyo 16 ang kontrata sa 60 jeepney operators at 10 kontrata ang matatapos sa katapusan ng buwan.
Nabatid na bumibiyahe ang mga naturang jeep sa halos lahat ng ruta sa Kalakhang Maynila.
Nangangahulugan ito, ayon kay LTFRB Executive Dir. Tina Cassion na pag-upo ng administrasyong-Marcos Jr., ay wala ng libreng sakay sa mga jeepney.
Nabanggit din niya na maging ang libreng sakay sa mga pampasaherong bus ay matutuldukan na rin sa pagtatapos ng buwan.