P89.79-B halaga ng droga nasamsam sa Duterte term

Isang buwan bago bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte, umabot na sa P89.79 bilyon ang halaga ng ibat-ibang droga na nasamsam sa bansa.

Sa huling Real Numbers data na inilabas ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa halaga ng mga droga na nakumpiska, P77.01 bilyon ay shabu.

Sa pagsisimula ng administrasyong-Duterte noong 2016 hanggang nitong Mayo 31, sinira ang may 8,194.89 kilo ng shabu, 5, 111.76 kilo ng marijuana, 23.70 kilo ng ecstasy, 534.20 kilo ng cocaine, at 3,491.23 kilo ng iba  pang droga.

Bukod dito, 1,197 drug dens ang nadiskubre, gayundin ang 19 laboratoryo ng shabu, 15,271 high-value targets naman ang naaresto.

May 6.252 drug suspects naman ang napatay sa 239,218 operations.

Kabuuang 25,361 sa 42,045 barangays sa buong bansa ang idineklarang drug-cleared, 6,753 naman ang drug-free at 10,112 barangays ang may isyu pa sa droga.

Read more...