Karaniwan ngayon ang mga mensahe ay nag-aalok ng trabaho at naglalaman ng e-mail link kayat nagmimistula itong opisyal na uri ng komunikasyon.
“Hinihikayat naming ang publiko na huwag sumagot sa mga email na ito o mag-click sa anumang kahina-hinalang mga link. At higit sa lahat, huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon online nang hindi kumpirmado ang pinanggalingan ng mensahe,” bilin ni Anton Bonifacio, ang Chief Information Security Officer ng Globe.
Dagdag payo pa nito, gumamit ng malakas na password na mahirap hulaan at gamitin ang multi-factor authentication para sa karagdagang proteksyon sa onlione accounts ng subscriber.
Gumagamit aniya ang Globe ng spam messages gamit ang mga filter, tulad ng anti-spam fingerprint, URL blacklist, access control blacklist at regular expression.
Bukod pa dito ang pagsasagawa ng threat intelligence subscription na sumusubaybay sa online traffic.
Sa unang tatlong buwan ng taion, 203 phishing sites na ang naharang ng Globe, kabilang ang 112 na nagkunwaring bangko, 91 na nagpanggap na lehitimong GCash sites, 208 online gambling sites, 705 child pornography domains at 65, 132 kadudadudang URLs.