Sa ikatlong pagkakataon, sinimulan muli ang naturang programa noong Abril 2022 sa NCR-EDSA Busway Carousel, Region 1, Region 2, Region 3, Region 4-A, Region 4-B, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, Region 13 – Caraga, NCR, at CAR.
Layon ng programa na bigyan ng transport assistance ang publiko, lalo na ang medical frontliners at iba pang essential workers, sa gitna ng pandemiya, at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pamamagitan din nito, mabibigyan ng insentibo ang mga drayber at operator depende sa bilang ng nakumpletong biyahe kada linggo, may sakay man o wala.
Ayon sa DOTr, nais nilang makatulong sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga operator at driver, at makapagbigay ng maaasahan at ligtas na pampublikong transportasyon sa publiko.