80 volcanic earthquakes, naitala sa Mt. Bulusan

Mahigpit pa ring binabantayan ng Phivolcs ang aktibidad ng Bulkang Bulusan.

Base sa update ng Phivolcs sa araw ng Martes, Hunyo 21, nakapagtala ng 80 volcanic eartquakes sa nasabing bulkan.

Nakapagtala rin ng 660 tonelada ng sulfur dioxide kada araw noong Hunyo 20.

May lumabas ding plume sa Bulkang Bulusan na may taas na 300 metro. Napadpad ito sa direksyong Kanluran Timog-Kanluran.

Ayon sa Phivolcs, may pamamaga pa rin sa naturang bulkan.

Nasa Alert Level 1 pa rin ang Bulkang Bulusan.

Bilang pag-iingat, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok nang walang pag-iingat sa Extended Danger Zone (EDZ).

Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.

Sinabi ng Phivolcs na maari pa ring magkaroon ng biglaang pagputok ng steam o phreatic eruptions.

Read more...