303 ektaryang lupa ng Yulo Estate, ipamamahagi ng DAR
By: Chona Yu
- 3 years ago
(DAR photo)
Sisimulan na ng Department of Agriculture ang pamamahagi sa 303 ektarya ng lupa sa Yulo Estate sa Mas ate sa 190 agrarian reform beneficiaries (ARBs) kabilang na ang tatlong dating miyembro ng New People’s Army.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Herald Tambal na nanumpa na ang 190 ARB sa harap ni Judge Rolando Sandigan ng MTCC-Masbate City, na sinundan ng paglagda sa Application to Purchase and Farmer’s Undertaking (APFU).
Ayon kay Tambal, ang ipamamahaging lupa ay bahagi ng 1,372.5657-ektaryang landholding na dating pag-aari ni Luis Yulo sa Barangay Matagbac sa bayan ng Milagros, kung saan 1,069.5280 ektarya ang naipamahagi na sa 357 agrarian reform beneficiaries (ARBs) noong 1993.
“Ang nasabing lupain ay dating inuri bilang isang agraryong rebolusyonaryong lugar sa loob ng maraming taon,” pahayag ni Timbal.
Sa kabila ng lokal na rebelyon, matagumpay na nakuha at na develop ng DAR-Task Force Yulo at ng Armed Forces of the Philippines ang lupain.
“Naresolba ang mga isyu sa pagsakop ng lupain kabilang na ang pagkaantala sa pagsasagawa ng subdivision surveys dahil sa anti-reform resistance ng mga lokal na rebelde, ” pahayag niTambal.
Nauna rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang DAR na ipamahagi ang mga lupang pang-agrikultura sa mga magsasaka na naninirahan sa mga lugar na may armadong labanan at rebel returnees.