Philippine Business Hub, umarangkada na sa QC
By: Chona Yu
- 2 years ago
(Courtesy: QC government)
Pormal nang inilunsad ng Quezon a city a government ang Philippine Business Hub — na dating kilala bilang Central Business Portal.
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad sa online platform kung saan maaaring magparehistro ng negosyo, mag-renew ng business permit, at iba pa sa pamamagitan ng iisang site na maaaring i-access sa https://business.gov.ph.
Ayon kay Belmonte, layunin ng programang ito na mapadali at mapabilis ang proseso at maiwasan ang red tape sa gobyerno at pakikipagtransaksyon sa mga ‘fixer’.
Isa ang Quezon City sa mga nangungunang lungsod pagdating sa pagpapatupad ng mga makabago at epektibong pamamaraan upang mapadali at maisaayos ang pag-apply ng permit at pagpaparehistro ng negosyo.
“Quezon City will continue to strive to be the epicenter of innovative reforms and game-changing improvements to programs and services that are more efficient, convenient, and time and resource-saving, not only to QCitizens, but to all our constituents,” pahayag ni Belmonte.
Katuwang ng QC Government sa programa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI), at Securities Exchange Commission (SEC).