Mga programa at plano ni VP Sara Duterte suportado ni Sen. Sonny Angara

Susuportahan ng Senate Committee on Finance, na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara, ang lahat ng mga inisyatibo ni Vice President-elect Sara Duterte para sa bansa at mamamayang Filipino.

 

Ginawa ni Angara ang pahayag matapos ang panunumpa ni Duterte, bilang susunod na pangalawang-pangulo ng bansa simula sa Hunyo 30.

 

Aniya kinikilala ng Senado ang mandato na ibinigay ng mayorya ng mga Filipino kay Duterte noong nakalipas na eleksyon.

 

Pagtitiyak pa ni Angara tutulungan din ng kanyang komite si Duterte sa pagsisilbi nito bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

 

Isinalarawan niya si Duterte bilang ‘young and dynamic leader.’

 

Sabi pa ni Angara magandang katangian din ng uupong bagong pangalawang-pangulo ang direktang pagsasalita.

Read more...