Taiwan niyanig ng 6.0 magnitude earthquake

Naramdaman sa kabuuan ng Taiwan ang 6.0 magnitude na lindol ngayon umaga.

 

Sa mga paunang ulat, sandaling gumalaw ang mga gusali sa Taipei matapos ang lindol sa Hualien county, na nasukat sa lalim na 6.8 kilometro.

 

Wala pang ulat ng pinsala kaugnay sa lindol.

 

Magugunita na higit 100 katao ang nasawi nang yanigin ng malakas na lindol ang Taiwan noong 2016 at noong 1999 7.3 magnitude earthquake, higit 2,000 katao naman ang namatay.

 

Read more...