Filipino lawyer na binaril sa US, pumanaw na

Sumakabilang buhay na ang Filipino lawyer na napatay sa pagbisita niya sa kanyang pamilya sa Pennsylvania sa US.

 

Nabatid na kagabi lay lumalaban pa ang 35-anyos na si Atty. John Albert ‘Jal’ Laylo sa isang ospital.

 

Unang iniulat ng mga opisyal ng Pilipinas na binawian na ng buhay si Laylo matapos ang insidente ng pamamaril sa kanilang sasakyan sa Philadelphia.

 

“Unfortunately, my brother has passed. Once again, I am asking you to keep my family in your prayers. His demise is tragic, there is no debate on that. There is nothing that could ever justify how cruel this situation is, but as we think about him, please remember that my brother is as a brilliant man. He is nothing short of exceptional,” ang mga tweet ni Althea, kapatid ni Laylo.

 

Ibinihagi naman ng kanyang kapatid na si Althea na magiging ‘organ donor’ ang abogado at kasunod ito nang pagkondena niya sa kabiguan ni US President Joe Biden na matuldukan ang ‘gun violence.’

 

Unang napa-ulat na patungo sa Chicago si Laylo kasama ang ina at bumibiyahe sila patungo sa airport nang paputukan ng ilang ulit ang kanilang sasakyan.

 

Nabatid na nagsilbi sa mga tanggapan nina dating Sen. Mar Roxas at Sen. Leila de Lima.

 

Nagsilbi pa itong legal counsel ni Vice President Leni Robredo sa Makati City Board of Canvassers noong nakaraang eleksyon.

 

Wala pang pahayag ang Office of the President ukol sa pagpanaw ni Laylo.

Read more...