Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad sa sa susunod na linggo

Tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, tataas ng P2.40 hanggang P2.70 ang presyo ng diesel kada litro.

Tataas naman ng P1.60 hanggang P2 ang presyo ng kerosene kada litro.

Tinatayang nasa P0.30 hanggang P0.60 naman ang tataas ng gasolina kada litro.

Patuloy na tumataas ang presyo sa produktong petrolyo dahil sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Read more...