Maaring pumalo sa 800 hanggang 1,200 na kaso ng COVID-19 ang maitatala kada araw sa katapusan ng Hunyo.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay kung magpapatuloy ang trend nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Vergeire, gaya ng sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, minor at short-lived lamang ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Binigyang diin pa ni Vergeire na ang naturang projection ay hindi naman nakaukit sa bato kung hindi giya lamang para maghanda.
MOST READ
LATEST STORIES