Kumpiyansa si Senador Bong Go na mas maraming kabataan na ngayon ang tiyak na makaiiwas sa paggamit na illegal na droga.
Pahayayg ito ni Go matapos dumalo sa groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center sa Bagac, Bataan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Go, tiyak na maraming kabataan ang mahihikayat na pumasok sa sports dahil sa magandang training center.
Nabatid na ang itatayong Philippine Sports Training Center (PSTC) ay isang state-of-the-art at highly scientific sports complex.
Ayon kay Go, tiyak na tataas ang morale ng mga atleta at makakayang lumaban sa mga international competition.
Aabot sa P3.7 bilyong pondo ang inilaan saa training center na inasahang matatpos sa taong 2024.
MOST READ
LATEST STORIES