63-anyos patay matapos mahulog sa dagat ang sasakyan sa Samal

(Courtesy: PCG)

Patay na nang matagpuan ang 63-anyos na lalaki na palutang-lutang sa karagatan ng Island Garden sa Samal kaninang 6:15 ng umaga.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nakilala ang biktima na si Rogelio Tacder.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng PCG, nasa loob ng sasakyan si Tacder at naghihintay na makasakay sa barge patawid mula Samal patungo ng Davao.

Gayunman, aksidenteng naapakan ni Tacder ang accelerator ng sasakyan dahilan para mahulog sa Mae Wess Port sa Barangay Kinawitnon, Babak District.

Bandang 6:15 na ng umaga nang makuha ang bangkay ni Tacder na nakulong sa loob ng sasakyan.

 

Read more...