Dalawanng lalaki patay sa barilan sa Quezon

Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isang babae matapos ang insidente ng pamamaril sa Candelaria, Quezon kagabi.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police, nagtungo sa bahay ni Roel Macasaet si Dennis Patulot kasama ang isang kaibigan sa Barangay Masin Norte.

Gayunman, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Macasaet at Patulot dahilan para kapwa bumunot ng baril.

Parehong patay sina Macasaet at Patulot.

Tinamaan naman ng ligaw nab ala ang asawa ni Macasaet na nakilalang si Lisa.

Sinasabing love triangle ang sanhi ng away ng dalawa.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis kaugnay sa insidente.

 

Read more...