Retired PNP General Ricardo de Leon, itnalagang NICA chief ni Marcos; Guillermo bagong BIR Commissioner

 

 

Photo credit: President-elect Bongbong Marcos/Facebook

May napili na si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang susunod na director-general ng National Intelligence Coordinating Agency.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary-designate Trixie Angeles, ito ay si dating PNP Deputy Director General Ricardo de Leon.

Si de Leon ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Matatag” Class of 1971.

Si de Leon ay kasalukuyang presidente ng Philippine Public Safety College.

Samantala, itinalaga rin ni Marcos si Lilia Guillermo bilang Commissioner ng Bureau Internal Revenue.

Si Guillermo ay dating Deputy Commissioner ng BIR.

Sa kasalukuyan, nagsisilbing Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas at pinuno ng BSP Technology and Digital Innovation Office at BSP I.T. Modernization Roadmap of 2018-2033.

Kinilala si Guillermo bilang isa sa mga nagpatupad ng  Philippines Tax Computerization Project na ginamit bilang modern tax collection system ng BIR at Bureau of Customs (BoC).

 

Samantala, itinalaga rin ni Marcos si Atty. Romeo “Jun” Lumagui Jr. bilang Deputy Commissioner for Operations ng BIR.

 

Read more...