Sumentro sa usapin sa food security at enhanced defense cooperation ang pagpupulong nina incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Poland’s Chargé d’Affaires Jaroslaw Szczepankiewicz.
Sa courtesy call ni Szczepankiewicz kay Marcos sa Mandaluyong City, sinabi nito napag-usapan nila ang patuloy na pagsusuplay ng Poland ng wheat at meat sector sa Pilipinas.
Napag-usapan din ng dalawa ang defense sector kung saan ang Poland ang gumagawa ng Black Hawk helicopters na ginagamit ng Philippine Air Force.
Napag-usapan din ang cultural at scientific cooperation pati na ang Polish scholarship para sa Filipino students.
Tinalakay din ng dalawa ang gulo sa Ukraine at Russia kung saan tinulungan ng Poland ang 70 Filipino na naipit sa gulo sa Ukraine na makarawod sa kanilang border.
Narito ang iba pang pahayag ni Szczepankiewicz: