Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) ang substitution ni Rep. Rodante Marcoleta bilang 2nd nominee ng SAGIP party-list.
Ayon sa COMELEC, ito ay makaraang mag-withdraw ng nominasyon ang dating 2nd hanggang 5th nominees ng nasabing party-list group noong Abril 29, 2022.
Kabilang dito sina Erlina Santiago, Kristine Angela Redoble, Fenicris Santos, at Emelinda San Antonio.
Sa kaparehong petsa, naghain ang naturang party-list group ng listahan ng kanilang mga bagong nominee.
Noong May 11, inaprubahan ng Comelec en banc ang withdrawal at inaprubahan ang bagong listahan ng mga bagong nominee, May 25.
Mananatili naman bilang 1st nominee si Caroline Tanchay.
Nakakuha ang SAGIP party-list ng dalawang pwesto para sa Mababang Kapulungan ng Kongres.
Sa Facebook, ibinahagi ni Marcoleta ang larawan sa oath-taking ceremony, kasama si Tanchay, bilang mga representante ng SAGIP Party-List Representatives kay Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez.
Matatandaang tumakbo si Marcoleta bilang senador para sa 2022 National and Local Elections ngunit nag-withdraw noong Abril 27.