P4-M halaga ng smuggled carrots, nasamsam ng BOC

BOC photo

Aabot sa P4 milyong halaga ng mga smuggled carrots ang nasamsam ng Bureau of Customs sa Manila Port.

Ayon sa BOC, naka-consign ang kargamento sa Silverpop Dry Goods.

Ayon sa BOC, nagsagawa ng physical examination ang kanilang hanay sa mga at nabatid na walang kaukulang dokumento ang mga kargamento.

Dahil dito, agad na nagpalabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Section 117, “Regulated Importation and Exportation” at Section 1400, “Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration”, in relation to Section 1113, “Property Subject to Seizure and Forfeiture” ng Customs Modernization and Tariff Act.

Read more...