Tiniyak ni Senator Christopher Go na kahit wala na sa puwesto si Pangulong Duterte ay magiging aktibo pa rin ito sa kanyang kampaniya laban sa droga.
“Ang nabanggit naman po niya, bagamat private citizen na siya ay ipagpapatuloy pa rin po niya ang yung kampaniya niya laban sa ilegal na droga. Marami naman pong paraan na ipagpatuloy po itong kampaniya,” sabi ni Go.
Isa na aniya dito ay gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang impluwensiya at igiit sa mamamayan na iwasan ang paggamit ng droga.
Sa kanyang parte naman, sinabi ni Go na ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya at suporta sa sports development sa bansa.
Naniniwala ang senador na sa pamamagitan ng sports ay mailalayo ang mga kabataan sa droga.
Pinamumunuan ni Go ang Commitees on Sports at Health sa Senado.