Sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng Private Hospitals Asso. of the Phils. (PHAPI), dapat ay ibalik sa 5,000 ang deployment cap mula sa umiiral ngayon na 7,000 kada taon.
Pagpupunto ni de Grano na noong nakaraang taon, 11,000 nurses lamang ang nakapasa sa licensure examinations at ngayon taon ay 6,000 sa 9,000 ang nakapasa.
“So, more or less ay magi-gauge ninyo na hindi naman po lahat iyan ay papasok sa ating mga different hospitals. So, more or less, magi-gauge natin kung ilan ba talaga ang puwede nating palabasin at papuntahin sa abroad. Huwag naman po sigurong sobra to the point na talagang mauubos na ang mga nurses natin dito sa ating bansa,” aniya.
Sa ngayon, umiiral pa ang deployment ban ng mga health workers dahil sa pandemya sa COVID-19.