Malakanyang nakiramay sa pagpanaw ni ex-NPC President Fred Lobo

FRED LOBO FB PHOTO

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga naulila ni veteran journalist Fred Lobo.

Natagpuang patay si Lobo sa banyo ng kanyang condominium unit sa Malate, Maynila noong nakaraang Martes.

Inaalam pa kung may ‘foul play’ sa pagkamatay ni Lobo, na nagsilbi ng tatlong termino bilang pangulo ng National Press Club noong dekada ’90.

Puwersahan nang pinasok ang kanyang unit base sa reklamo ng mabahong amoy.

Sinabi ni acting presidential spokesman Martin Andanar na nakikiisa sa pagdadalamhati ang Malakanyang sa mga mahal sa buhay at kaibigan ni Lobo.

“Our thoughts and prayers are with the loved ones of Mr. Lobo in this period of mourning.  May he rest in peace,” sabi pa ni Andanar.

Read more...