Legal na hakbang pinag-aaralan ng DILG sa utos ng Cebu gov’t sa face mask use

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Pinag-aaralan na ng mga abogado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung ano ang maaring gawing legal na hakbang ukol sa kontrobersyal na resolusyon ng Pamahalaang-Panglalawigan ng Cebu ukol sa paggamit ng mask.

 

Ito ang ibinahagi sa isang panayam ni Sec. Eduardo Año at aniya maaring arestuhin ang mga lalabag sa mandatory use ng mask sa lalawigan.

 

Diin ng kalihim nanatili ang utos ng pambansang gobyerno sa pagsusuot ng mask sa lahat ng mga pampublikong lugar.

 

Aniya hindi naaayon ang utos ni Cebu Gov. Gwen Garcia na opsyon na lamang ang pagsusuot ng mask sa ‘open spaces and well ventilated areas’ sa kanilang lalawigan.

 

Una nang ikinatuwiran ni Garcia na ang pagsusuot ng mask ay bahagi lamang ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) at hindi ito batas.

 

Sagot naman ni Año, maaring maharap sa mga kaso ang mga opisyal na lalabag at partikular niyang binanggit ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Read more...