Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Enrile na grupo sa US at dito sa Pilipinas ang nagbabalak at naghahanda na para guluhin ang bagong administrasyon.
Payo pa niya sa mga uupong national security officials, sa halip na makipag-kaibigan sa mga mahilig at madalas manggulo sa bansa, mas makakabuti kung pagbubutihin nila ang pangangalap ng intelligence information.
“I just picked up what I consider to be a credible information that there are groups in America and in the Philippines planning and preparing to cause serious embarrassment and trouble for our newly elected President,” ani Enrile.
Dagdag pa nito ibabahagi niya ang detalye ng impormasyon sa mga kinauukulang opisyal sa tamang panahon at kailangan ay maging maingat sa ngayon.
“Caution is the name of the game. You are just starting your travel in troubled waters. Your adversaries have not stopped,” dagdag pa ng namuno sa pagpapatalsik kay yumaong Pangulong Ferdinand Marcos noong 1986.