May dalawang weather system na umiiral sa bansa.
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, patuloy na umiiral ang ridge of high pressure area sa Silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Easterlies, ang hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko, naman ang nakakaapekto sa Mindanao.
Bunsod nito, magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa Central at Southern part ng bansa.
Ngunit, sinabi ni Perez na maari pa ring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan, na kung minsan ay may kasamang pagkidlat at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Nakaranas din aniya ng thunderstorm ang Metro Manila, Miyerkules ng hapon.
Samantala, walang namo-monitor na low pressure area o bagyo na maaring mabuo sa loob ng teritoryo ng bansa.