Dating Comelec commissioner Guanzon, mauupo bilang representante ng P3PWD Party-list

Mauupo na bilang bagong kongresista ng P3PWD (Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities) Party-list si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

Ito ay matapos aprubahan ng Comelec ang nominasyon ni Guanzon bilang substitute sa mga naunang nominee.

Ayon kay Comelec spokesman Atty. John Rex Laudiangco, inaprubahan kasi ng Comelec ang sabay-sabay na pagbibitiw ng limang nominado na sina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Fullon, Peter Jonas David at Lily Grace Tiangco.

Inaprubahan din ng Comelec ang substitution nina Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio, at Rodolfo Villar, Jr.

Matatandaamg isang puwesto sa Kongreso ang nakuha ng P3PWD.

Read more...