PITX, nagbukas ng ruta patungong Davao City

Photo credit: PITX

Nagbukas ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng bagong ruta simula sa araw ng Miyerkules, Hunyo 15.

Ayon sa PITX, may ruta na mula sa nasabing terminal patungong Davao City.

Nagsimula ang unang biyahe sa nasabing ruta bandang 2:00 ng hapon.

Mayroon pang alok na 50 porsyentong diskwento ang Davao Metro Shuttle para sa mga pasahero sa kaparehong araw.

Read more...