Pilipinas, nakapagtala ng anim na bagong kaso ng BA.5, 10 kaso ng BA.2.12.1 Omicron subvariant

Nakapagtala ang Pilipinas ng 16 na bagong kaso ng Omicron subvariants ng COVID-19.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na base sa huling sequencing, lumabas na mayroong anim na bagong kaso ng BA.5 at 10 bagong kaso ng BA.2.12.1

Sa mga bagong kaso BA.5 subvariant, dalawa ang napaulat sa National Capital Region (NCR), tig-iisa sa Cagayan Valley, Western Visayas, Northern Mindanao, habang ang lugar ng isa pang kaso ay bineberipika pa.

Samantala, sa bagong BA.2.12.1 cases, apat ang mula sa Metro Manila, dalawa sa Calabarzon, tig-iisa sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, habang returning overseas Filipino naman ang isa pang kaso.

Patuloy namang pinag-iingat ng DOH ang publiko at hinikayat na sundin pa rin ang health protocols upang hindi mahawa ng COVID-19.

Read more...